Tagalog

Unyon ng mga Guro sa Iceland – mga impormasyon sa ibang salita

Ang mga kasapi sa Unyon ng mga Guro sa Iceland ay may mga magtuturo,mga tagapayo at mga punong guro sa mga paaralan ng kindegarten mababang paaralan, sa mataas na paaralan at sa paaralan ng musika sa lahat ng dako ng nasyon. Ang Ang Unyon ay may walong samahan, dalawa sa mataas na baytang ng paaralan (samahan ng mga guro-at punong guro), dalawa sa mababang baytang ng paaralan (samahang guro-at punong guro) dalawa sa paaralan ng kindergarten (samahang guro-at punong guro), at samahan para sa mga magtuturo at mga punong guro sa paaralan ng musika at sa Samahan ng mga pensiyonadong guro.

Asosasyon at Pondo para sa KÍ

Kinakaltas ng kompanya ang butaw ng mga miyembro ng mga kasapi ng unyon tuwing kabuwanan ng sahod na mapupunta sa Unyon nito (Kennarasamband). Ang butaw ng unyon (Union fee) ay 1% ng suweldo (basic salary). Kasaling nagbabayad ang kompanya ng mga manggagawa nito (hindi kinakaltas sa sahod) bilang kontribusyon sa kontrata sa pagpapasahod (wage agreement) gaya ng pondo para sa mediker, pondo para sa vacation fund, at pondo para sa pag-aaral muli.

Pondo para sa mga pensiyonado

Ang mga kasapi ng unyon ay nagbabayad ng 4% sa kanilang sahod (basic salary) para sa kanilang pag reritero at ang kompanya –nagbibigay ng sahod ay kasaling nagbabayad ng sang ayong kontrebusyon. Ang bawat isa ay maaaring pumili ng halaga ng pagbabayad ng kanilang pangsariling siguro o insurans (self insurance fund).

Mga Kinatawan ng Unyon

Sa bawat paaralan /lugar ng manggagawa ay may mga kinatawan (representatives) ng unyon para sa mga guro sa loob ng trabahuan. Sila ang nag pro-protekta para sa mga miyembro ng kapisanan at sa kanila ay maaaring humingi ng tulong at makikita ang mga impormasyon tungkol sa kontrata sa pagpapasuweldo-unyon-at ang tungkol sa mga karapatan bilang miyembro ng kapisanan.

Mga kontrata ng Unyon

Ang mga kasapi ng kapisanan ng KÍ ay siyang bumubuo ng kontrata sa pagpapasuweldo para sa mga guro, mga tagabigay payo sa pag-aaral at sa trabaho at mga prinsipal sa lahat ng baytang ng paaaralan. Ang mga namamahala ng KÍ at samahan ng kapisanan sila ang nagpapaliwanag tungkul sa kontrata ng pasuweldo gayun din pinapaalam ang mga karapatan ng bawat trabahador ng kompanya at gayun din pinababatid ang nga responsabilidad bilang kasapi ng organisasyon. Sa mga sumusunod ay mababanggit ang tunkul sa kung saang hanay ang suweldo, karapatan kapag nagkakasakit, bagong panganganak, sa seguro (life insurance) kapag huminto sa trabaho at marami pang iba.

Pondo ng Mediker

Ang mga kasapi ng kapisanan ay maaring mag aplay (apply) ng suporta sa pondo ng mediker sa KÍ para sa bayaran ng pagkaka ospital. Ang pondo ay nagbabayad din para doon sa hindi nakakatanggap ng suweldo sa dahilan ng pagkakasakit, abuloy sa pagkamatay at suporta sa bagong panganak. Ang lahat ng kasapi ng kapisanan ay maaaring mag aplay (apply) ng suporta pagkalipas ng 6 na buwan sa pagtatrabaho sa kompanyang pinapasukan.

Bakasyon-pondo

Ang KÍ ay may bahay bakasyunan na pinapaupahan (summer house) sa lahat ng lugar ng bayan. At ito rin ay katuwang sa pagbabayad dito sa Iceland o sa ibang bansa. Lahat ng kasapi ng kapinanan ay maaring mag aplay (apply) sa bahay bakasyunan (summer house) tuwing taglamig (winter) at sa tuwing tag-init (summer). Dipendi sa gulang ang diskuwento na matatanggap.

Pondo sa pagbabalik-aral

Sa bawat baytang ng paaralan ay may mga namamasukan sa Unyon ng re-eduation fund, ang mga miyembro ay maaring maka tangap ng suporta sa kanilang pag-aaral muli o post graduate study, mga kurso, konperens / siminar at pang grupong paglalakbay. Lahat ng kasapi ng o miyembro ay maaaring mag aplay.

Ang KÍ ay miyembro ng rihabilitation fund (www.virk.is). Ang papel ng pondo ay ang magbawas ng trabahador sa kanilang kompanyang pinagtatrabahuan sanhi sa kanilang permanenting kapansanan. Ang pondo ay nag-aalay ng libring payo at nagbabayad ng gaastusin para sa pagpapagaling –pagpapatatag, na ang tanging layunin ay ang tumatag ang mga kasanayan sa pagtatrabaho.

Tulong panglegal

Sa KÍ ay may mga abogado na tumutulong sa kasapi ng unyon na ipaglaban ang kanilng karapatan sa kanilang employer kung kinakailangan. Ang KÍ ang siyang gumagawa ng disisyon tunkol sa mga isyo o problema na hindi maayos walang iba kundi sa korte.

Kawalan ng trabaho

Para doon sa mga nawalan ng trabaho ay maaring mag aplay sa talaan ng nawalan ng trabaho at may karapatang makatanggap ng suporta sa unyon. Sila ay mabibigyan ng payo at tulong sa paghahanap ng trabaho at oportunidad na makatangap ng trabaho mismo sa nagbibigay ng trabaho- (vinnumiðlun na tinatawag na Vinnumálastofnunar http://www.vinnumalastofnun.is. Maaring magpatuloy ang pagbabayad ang miyembro ng unyon sa KÍ. Sa pamamagitan nito mamamalagi ang mga karapatan sa kanilang unyon at makakatangap ng serbisyo nito.

Sosyal Serbis

Ang mga Unyon sa KÍ ay pinaghahandaang mabuti. Sila ay humahawak ng malaking uri ng serbisyong pang sosyal, sumasaga ng mga miting ng ibat-ibang anyo ng isyu sa bawat pagkakataon. Ang lahat ng mga impormasyon ay pinaghahandaa din at ang samahang serbisyo na galing sa KÍ ay kailangang nakahanda na nasa kinakatawan ng samahan sa loob nglugar na pinapasukan.

Mga kagawad-komite

Sa pamamagitan ng KÍ may namamasukang mga komite sa ibat ibang bagay tungkol sa paksaing pampaaralan, bagay tungkol sa loob ng trabahuan,bagay sa pag-uugali at sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa.

Lathala

Ang KÍ ang siyang gumagawa ng bahay pahina (home page) www.ki.is sa loob nito ay makikita ang lahat ng maga impormasyon tungkol sa mga samahan-ng Unyon at ang paglilingkod nito at paglalathala ng mga balita. Ang KÍ ang naglalathala ng magasin na tinatawg na Skólavörður apat a besis sa isang taon at gayon din sila ang nagpapalathala ng mga balita sa kompyuter na tinatawag na Eplið na pinalalabas walong besis sa isang taon. Ang iba pang lathala ay katulad ng Hanbuk (hand book) para sa mga guro. Bulitin para sa paglalakbay, mga buklit na may sari-saring impormasyon at iba pa.

Ang mga ayong Impormasyon

Ang lahat na impormasyon ay matatagpuan lamang sa opisina ng Unyon ng mga guro sa Iceland at sa samahang unyon sa Unibersidad ng magtuturo (teachers University) sa Laufásvegur 81, 101 Reykjavík, tel. 595-1111, e-mail: ki@ki.is.

  • Bahay pahina ng KÍ www.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga magtuturo sa mababang paaralan www.fg.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga magtuturo sa mataas na paaralan sekondarya www.ff.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga guro ng kintergarten www.fl.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga guro sa musika www.ft.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga punong guro ng Iceland www.si.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga punong guro sa mga mataas na paaralan www.fs.ki.is
  • Bahay pahina sa Unyon ng mga punong guro sa kintergarten www.fsl.ki.is



Aukaval


Fagfélög


Leturstærð og tungumál


Leit

Leitarvél
Byggir á LiSA vefumsjónarkerfi frá Eskli